PLANO NG ITATAYONG SM CITY DAET, IPRINESENTA SA SANGGUNIANG BAYAN!

http://camnortenews.com/page/wp-content/uploads/2018/08/sm1.jpg

Agosto 6, 2018, Daet, Camarines Norte – Humarap ngayon sa Sangguniang Bayan ng Daet ang mga Engineers ng Don Builders Inc., ang contractor ng itatayong SM City Daet upang ipresenta ang plano para sa gagawing konstruksiyon nito.

Base sa presentasyon, sisimulan ang konstruksiyon ng nasabing gusali Oktubre ngayong taon at inaasahan itong matatapos Disyembre ng susunod na taong 2019.

May lawak itong 48,590.00 sq. m. at magkakaroon ng tatlong palapag at roof deck. 640 parking slots naman ang ilalaan para sa mga sasakyan.

Itatayo ito sa bahagi ng Vinzons Avenue, Brgy. Lag-on, malapit sa United Daet Colliseum.

http://camnortenews.com/page/wp-content/uploads/2018/08/sm4.jpg
http://camnortenews.com/page/wp-content/uploads/2018/08/sm2.jpg
http://camnortenews.com/page/wp-content/uploads/2018/08/sm3.jpg

Positibo naman ang naging tugon ng mga miyembro ng Sangguniang bayan lalung lalo na aspeto ng pagkakaroon ng mas maraming oportunidad at trabaho para sa mga Daeteño maging sa mga CamNorteño.

Gayunpaman, isa sa mga nakikitang problema ng konseha ang pagdagsa ng mga tao at sasakyan sa nasabing lugar at posibleng pagsisikip ng daloy ng trapiko na isa na ngayon sa nararanasang problema sa kasentruhan ng bayan kaya naman iminungkahi ng mga ito ang paglalagay ng access road sa likurang bahagi ng gusali patungo o palabras sa diversion road.

Pinagpapasa rin ng ang naturang contractor ng traffic impact assessment upang matukoy ang posibleng problema at solusyon sa naturang usapin.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *