LALAKI ARESTADO SA BUY BUST OPERATION SA BAYAN NG BASUD!

http://camnortenews.com/page/wp-content/uploads/2017/05/BASUDMPS608-1.jpg

Agosto 13, 2018, Basud, Camarines Norte – Bumagsak sa kamay ng otoridad ang isang 39 anyos na padre de pamilya sa bayan ng Basud matapos ang ikinasang buy bust operation kagabi, Agosto 12, 2018.

Kinilala ang suspek na si Dennis Balte y Lo, 39 anyos, may asawa, panadero at residente ng Purok 7, Brgy. Matnog, Basud, Camarines Norte.

Base sa tala ng Basud Municipal Police Station, dakong 7:30 kagabi nang isagawa ng naturang istasyon ang operasyon katuwang ang PDEA ROV sa Purok 2 ng nasambit na barangay kung saan huli umano sa akto ng pagbebenta ng hinihinalang ilegal na droga sa poseur buyer ang suspek.

Nakuha mula sa dito ang dalawang (2) sachet ng hinihinalang shabu at isang (1) Php 500.00 bill na ginamit bilang buy bust money. Nakumpiska rin ang Suzuki Raider J na gamit ng suspek.

Nasa kustodiya na ng Basud MPS ang suspek at nakuhang ebidensiya para sa kaukulang disposisyon.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *