DEPED CAMNORTE, NAKIPAGTULUNGAN SA PDEA AT DOH SA ISINAGAWANG RANDOM DRUG TESTING SA MGA KAWANI NG DEPED AT MGA MAG AARAL NG JUNIOR AT SENIOR HIGH SA LALAWIGAN!

http://camnortenews.com/page/wp-content/uploads/2018/08/deped1.jpg

Agosto 14, 2018, Daet, Camarines Norte – Nakipagtulungan ang Department of Education (DepED)-Camarines Norte sa Random Drug Test ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), katuwang ang Department of Health (DOH) sa mga pampublikong guro at mga estudyante sa lalawigan ng Camarines Norte.

Sa panayam ng Provincial Information Office (PIO) kay Schools Division Superintendent Nene R. Merioles, sinabi nito na noong pang nakalipas na buwan ng Hunyo isinagawa ang Random Drug Test kung saan unang isinalang ang lahat ng empleyado ng Division Office ng Camarines Norte, kasunod ang mga Principals at mga Estudyante.

Nilinaw naman ni Merioles na ang isinagawang Random Drug Test ay para lamang sa mga Junior at Senior High at hindi kasama ang Elementarya. Idinagdag nito na hindi lahat ng Public School sa lalawigan ay isinailalim sa Drug Test bagkos ay pumili lamang ang PDEA ng mga paaralan kung saan mas maraming bilang ng mga estudyante, partikular na ang mga Central Schoolsl sa probinsya.

Kumpiyansa naman ang opisyal na magiging negatibo ang resulta ng Random Drug Test. Gayunpaman,  kung may mga magpa-positive na estudyante ay maaari umano nilang ipatawag ang mga magulang ng bata upang isailalim sa counseling, gayundin ang mga guro upang tuluyan nang iwan ng mga ito ang masamang bisyo.

Pinasalamatan din ni Merioles ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at ang Department Of Health (DOH) dahil sa inisyatibong ito ng naturang kagawaran. Dahil aniya sa programang ito ng DOH at ng DepEd, malalagay sa maayos ang mga estudyante at matututukan ang pag-aaral para sa magandang kinabukasan.

Lino Malabanan (DWCN Fm)

For Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *