TATLONG WILD ENDANGERED SPECIES NA INITURN OVER SA PENRO CAMNORTE, PINAKAWALAN NA SA NATURAL HABITAT NITO!

http://camnortenews.com/page/wp-content/uploads/2018/08/es1.jpg

Agosto 14, 2018, San Vicente, Camarines Norte – Matapos ang sampung araw na pagsasailalim sa Quarantine, tuluyan nang pinakawalan ng mga opisyal ng Department of Environment and Natural Resources Office (DENR) at ng Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO) sa lalawigan ng Camarines Norte, ang dalawang uri ng Philippine Eagle na kusang itinurn-over ng dalawang indibidwal na may pagpapahalaga sa buhay ng mga Endangered Species sa nabanggit na lalawigan.

Nitong nakatalikod na Agosto 9, 2018, sama-samang inakyat ng grupo ang mataas na bundok ng Abasig-Matogdon, Mananap Natural Biotic Area ( AMMNBA ) sa bayan ng San Vicente, Camarines Norte, sa pangunguna ni DENR Protected Areas Assistant Superintendent Ronnie N. NievaPENRO Community Development Assistant II Enrique Palacio Jr. at Print and Broadcast Media na kinabibilangan ng Camarines Norte Tri-Media Association, Radyo Pilipinas at Stardust News, bilang mga saksi.

Matatandaan na isang Brahminy Kite (Haliastur indus), isang uri ng ibon na kalakip sa pamilya ng mga lawin ang natagpuan ni Ginoong Ronald Auxillo ng Barangay Gubat, Daet, Camarines Norte at personal na naiturn-over sa Provincial Information Office (DWCN-FM), noong araw ng Sabado, July 21,2018.

Ang “Brahminy Kite” na may Scientific Name na H. indus na pinakawalan ay may tatlong taong gulang na ayon kay Nieva, samantalang ang isa pa na tinawag na ”Falcon” na may Scientific Name na “Egypius monachus” ay napakabata at maari pa itong lumaki.

http://camnortenews.com/page/wp-content/uploads/2018/08/es2.jpg

Ang dalawang nabanggit na Wild Species ay ilan lamang sa mga lahi ng Philippine Eagle na malapit na ring maubos sa bansa. Wala namang eksaktong figure ang DENR kung anong dahilan ng biglaang panghihina ng naturang mga ibon.

Ayon kay Nieva, malamang na tumama sa mga sanga ng matataas na puno ng kahoy sa kabundukan ang dahilan kung kayat bumagsak ang mga ito. Samantala, isa pang Wild Species ang pinakawalan din kahapon, ito ay ang Jubinile Philippine Cobra na may Scientific Name na “Naja philippinesis”, isa sa pinakamakamandag na ahas sa Pilipinas na maaring ikamatay ng natuklaw sa loob lamang ng ilang minuto.

http://camnortenews.com/page/wp-content/uploads/2018/08/es3.jpg

Bago pakawalan ang mga wild species, nilagyan ito ng tanda o tag para sa kanilang pagkakakilanlan.

Lino Malabanan (96.9 DWCN Fm)

For Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *