PRIMEWATER AT CNWD IPINASILIP SA MEDIA ANG BAGONG STATE OF THE ART FILTRATION FACILITIES SA GINANAP NA 2018 WATER INFO EXCHANGE!

http://camnortenews.com/page/wp-content/uploads/2018/08/prime5-1.jpg

Agosto 24, 2018, San Lorenzo Ruiz, Camarines Norte – Sa kauna unahang pagkakataon ay ipinasilip ng Primewater at Camarines Norte Water District (CNWD) sa mga mamamahayag ng lalawigan ang bagong state of the art filtration facilities na matatagpuan sa Brgy. Dagotdotan, bayan ng San Lorenzo Ruiz.

Sa unang bahagi ng #2018WaterInfoExchange  na ginanap kahapon ay nagtungo sa nasambit na lugar ang ilang mediaman upang personal na masaksihan ang isa sa ipinagmamalaking proyekto ng Prime Water at CNWD na naisakatuparan halos dalawat kalahating taon pa lamang matapos magsimula ang Joint Venture Agreement (JVA) nitong 2016.

Ang naturang proyekto ay ang Dagotdotan Filtration Facility (DFF) na ayon kay CNWD General Manager Maria Antonia Bernandina F. Boma at PrimeWater CN Acting Technical Head Ryan J. Ramores ay isa sa mga natatanging pasilidad sa buong bansa na kayang mag convert ng surface water o tubig mula sa Mampurog River bilang source bukod pa sa mga spring sources at gawin itong ligtas na inuming tubig para sa mga konsumidores sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya.

http://camnortenews.com/page/wp-content/uploads/2018/08/dff1.jpg

Nakapaloob sa naturang pasilidad ang mga bagong pvc pipes, raw water collector tank, booster pumps, feed raw water tank, ultramembrane filters, hypochlorinator, laboratoryo at iba pa.

http://camnortenews.com/page/wp-content/uploads/2018/08/dff2.jpg
http://camnortenews.com/page/wp-content/uploads/2018/08/dff3.jpg
http://camnortenews.com/page/wp-content/uploads/2018/08/dff4.jpg
http://camnortenews.com/page/wp-content/uploads/2018/08/dff5.jpg
http://camnortenews.com/page/wp-content/uploads/2018/08/dff6.jpg

Masaya ring ibinalita ni GM Boma na simula nang maging operational ang DFF ay mas malawak na at nadagdagan pa ang nasusupplyan ng tubig na mga konsumidores partikular na sa Daet South, bahagi ng Daet North, Basud at Mercedes – mga lugar na dati ay lubhang nakakaranas ng kakapusan sa supply.

http://camnortenews.com/page/wp-content/uploads/2018/08/dff8.jpg
http://camnortenews.com/page/wp-content/uploads/2018/08/dff7.jpg

Nabatid na ang pagkakaroon ng naturang pasilidad ay isa lamang sa napakaraming hakbang na isinasagawa ng Prime Water at CNWD upang mas mapabuti at mapalawig pa ang pagseserbisyo nito sa mga miyembro konsumidores.

http://camnortenews.com/page/wp-content/uploads/2018/08/dff9.jpg

Charlotte V. Marco

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *