57 ANYOS NA LALAKI, ARESTADO SA ILEGAL NA PAGMIMINA SA BAYAN NG LABO!

http://camnortenews.com/page/wp-content/uploads/2017/05/arrest.temp650-2.jpg

Agosto 28, 2018, Labo, Camarines Norte – Arestado matapos mahuli sa akto ng ilegal na pagmimina ang isang 57 anyos na lalaki sa Purok 5, Brgy. Masalong, bayan ng Labo kanina.

Base sa tala ng Labo Municipal Police Station, dakong 2:50 kaninang hapon nang magsagawa ng anti-illegal mining operation ang Labo MPS, RID-5, PSOG at 2nd CNPFMC sa nasambit na lugar kung saan huli sa akto ng pagmimina si Rodolfo Garay y Garaiz, 57 anyos, padre de pamilya at residente ng Purok 4 ng parehong barangay.

Nabatid na walang hawak na permit mula sa mga concerned agencies si Garay upang magsagawa ng pagmimina sa lugar dahulan para madakip ito ng otoridad.

Nakumpiska mula sa suspek ang ilang paraphernalia sa pagmimina tulad ng isang (1) dynamo, isang (1) steel bar at isang (1) clamp lamp.

Nasa kustodiya na ng Labo MPS ang mga nakuhang ebidensiya at ang suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa R.A.7942.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *