PAGTATALO NAUWI SA PANANAKSAK NG ISANG MANGINGISDA SA KAMAG ANAK NITONG OFW SA BAYAN NG PARACALE!

http://camnortenews.com/page/wp-content/uploads/2017/06/paracalenew608.jpg

Agosto 28, 2018, Paracale, Camarines Norte – Boluntaryong dumulog sa otoridad ang isang mangingisda matapos ang ginawang pananaksak sa kaanak nitong ofw sa Purok Masagana, Brgy. Palanas, Paracale, Camarines Norte.

Base sa tala ng Paracale Municipal Police Station, dakong 2:30 ng madaling araw kahapon, Agosto 27, 2018 nang dumulog sa kanilang himpulan si Chief Tanod Alex Vega ng nasambit na barangay upang  iturn over ang suspek na si John Mark Flordeliz y Reva, 42 anyos, mangigisda at residente ng nasambit na barangay.

Ayon sa supek na noon ay nasa impluwensiya ng alak, dahil sa problema sa pamilya ay nagkaroon umano ng mainit na pagtatalo sa pagitan niya at ng biktima na kinilalang si Donnabel Flordeliz y Zaño, 37 anyos, ofw at residente ng parehong lugar na nagresulta sa pananaksak ng una gamit ang icepick.

Agad namang isinugod sa Labo District Hospital ang biktima na nagtamo ng saksak sa bahagi ng tiyan at kaliwang balikat.

Nasa kustodiya na ng Paracale MPS ang susmukong suspek para sa kaukulang disposisyon.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *