NAKAPARADANG MOTORSIKLO, NINAKAW SA BAYAN NG MERCEDES!

http://camnortenews.com/page/wp-content/uploads/2017/06/mercedesmap608-1.jpg

Setyembre 5, 2018, Mercedes, Camarines Norte – Pinagahahahanap ngayon ng isang padre de pamilya sa bayan ng Mercedes ang pag aaring motorsiklo na pinaniniwalaang tinangay ng kawatan habang nakaparada sa mismong harap ng bahay nito.

Base sa tala ng Mercedes Municipal Police Station, dumulog sa kanilang himpilan ang biktimang si Loviesito Toledo y Austria, 48 anyos, may asawa at residente ng Purok 6, Brgy Mambungalon, Mercedes, Camarines Norte upang ireport ang umano ay nawawalang motorsiklo nito na Suzuki Raider, kulay itim at gray na may plakng EK 3549.

Ayon sa biktima, huli niya itong iniwang nakaparada sa labas lamang ng kanilang tahanan sa nasambit na barangay dakong 11:00 ng gabi kamakalawa, araw ng lunes.

Laking gulat na lamang umano nito ng madiskubre dakong 5:00 ng umaga ng sumunod na araw ay nawawala na ang naturang motorsiklo.

Sa kasalukuyan ay nagsasagawa na ang Mercedes MPS ng follow up investigation para sa pagtukoy sa kinaroroonan ng tinangay na motorsiklo gayundin sa pagkakakilanlan at pagkadarakip ng suspek.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *