Setyembre 5, 2018, Basud, Camarines Norte – Maswerteng nakaligtas mula sa kapahamakan ang pamilya ng isang barangay health worker sa Purok 6, Brgy. San Felipe, Basud, Camarines Norte matapos ang pamamaril dito ng di nakilalang suspek.
Base sa tala ng Basud Municipal Police Station, dakong 11:50 kagabi, Setyembre 4 nang tumigil sa gilid ng kalsada ilang metro mula sa tahanan ng biktimang si Sylvia Quinones y Juan, 50 anyos, ang isang motorsiklo lulan ang di nakilalang suspek na walang habas na namaril sa tahanan ng biktima.Matapos ang pamamaril ay agad itong tumakas patungo sa hindi matukoy na direksiyon.
Narekober mula sa lugar ng insidente ang labintatlong (13) basyo ng bala at isang (1) slug ng 9mm caliber na ituturn over sa Provincial Crime Laboratory para sa kaukulang eksaminasyon.
Wala namang naitalang nasaktan sa insidente.
Nagsasagawa na ng follow up investigation ang Basud MPS ukol sa posibleng pagkakakilanlan ng suspek at pagkadarakip dito gayundin ang motibo sa pamamaril.
Camarines Norte News

