MAY ARI NG AUTO SHOP SA BAYAN NG DAET, PATAY SA PAMAMARIL NG RIDING IN TANDEM!

http://camnortenews.com/page/wp-content/uploads/2018/09/adonis2.jpg

Setyembre 26, 2018, Daet, Camarines Norte – Dead on the spot ang may ari ng isang auto shop matapos itong pagbabarilin ng hindi nakilalang mga suspek sa mismong tindahan nito sa Purok 4, Brgy. Lag-on, Daet, Camarines Norte dakong 6:30 kagabi, Setyembre 25, 2018.

Kinilala ang biktima na si Adonis Fuentes y Nachor, 52 anyos, negosyante at residente ng nasambit na lugar.

http://camnortenews.com/page/wp-content/uploads/2018/09/adonis1.jpg

Sa inisyal na imbestigasyon ng Daet Municipal Police Station, nasa loob ng pag-aari nitong shop ang biktima nang bigla na lamang dumating ang dalawang lalaking suspek sakay ng isang motorsiklo at walang habas na nilapitan at pinagbabaril ng backrider ang biktima na nagtamo ng mga tama ng bala sa ibat ibang bahagi ng katawan na naging sanhi ng agaran nitong pagkamatay habang mabilis namang tumakas ang mga suspek matapos ang pamamaril.

Sa kasalukuyan ay nagsasagawa na ng follow up investigation ang Daet MPS upang matukoy ang kinaroroonan at pagkakakilanlan ng mga suspek na kapwa naka full-face helmet nang maganap ang insidente.

Inaalim pa rin ag motibo sa pamamaslang.

Camarines Norte News

Photo courtesy of Donde Consuelo

Leave a Reply

Your email address will not be published.