PAGDIRIWANG NG MAMBULAWAN FESTIVAL SA BAYAN NG JOSE PANGANIBAN, PORMAL NANG SINIMULAN; MAYOR DONG PADILLA, MAY HAMON SA MGA MAGSASAKA SA PAGSISIMULA NG TRADE FAIR!

http://camnortenews.com/page/wp-content/uploads/2018/09/10.jpg

Setyembre 26, 2018, Jose Panganiban, Camarines Norte – Pormal nang sinimulan ngayong araw ang mahigit isang linggong pagdiriwang ng 17th Mambulawan Festival sa bayan ng Jose Panganiban, Camarines Norte na kinapapalooban ng ibat ibang mga aktibidad.

Kaugnay nito umarangkada sa mga pangunahing lansangan ng bayan ang parada na nilahukan ng mga opisyal ng bayan sa pangunguna ni Mayor Ricarte “Dong”Padilla, mga opisyal ng bawat barangay maging ng mga residente.

http://camnortenews.com/page/wp-content/uploads/2018/09/9.jpg

Kinulayan ang parada ng mga float na nagtatampok sa mga ipinagmamalaking produktong pang agrikultura ng bawat barangay na dinagdagan pa ng makukulay na kasuotan ng mga partisipante na pawang mga nakasuot ng mga costume ng tradisyunal na mga magsasaka at mangingisda.

http://camnortenews.com/page/wp-content/uploads/2018/09/1.jpg
http://camnortenews.com/page/wp-content/uploads/2018/09/4.jpg
http://camnortenews.com/page/wp-content/uploads/2018/09/5.jpg
http://camnortenews.com/page/wp-content/uploads/2018/09/6.jpg
http://camnortenews.com/page/wp-content/uploads/2018/09/7.jpg
http://camnortenews.com/page/wp-content/uploads/2018/09/2-300x185.jpg
http://camnortenews.com/page/wp-content/uploads/2018/09/3-300x185.jpg
http://camnortenews.com/page/wp-content/uploads/2018/09/8.jpg

Kasabay ng pagsisimula ng naturang festival ay ang pagbubukas ng Trade Fair kung saan nagpaabot ng mensahe at hamon ang ama ng bayan.

Ayon kay Mayor Dong Padilla, labis ang kaniyang kagalakan dahil sa kitang kita umano na naglevel up na ang kanilang pagdiriwang partikular na sa presentasyon at mga itinatampok na produkto subalit nananatili aniya ang kaniyang hamon sa mga magsasaka na mas pag ibayuhin o palakihin pa ang produksiyon ng mga produktong pang agrikultura nang sa gayon ay hindi lamang makikita ang mga ito sa trade fair bagkus ay makarating pa ang mga ito sa merkado lalung lalo na sa Municipal Food Terminal (MFT) ng bayan.

Nakakalungkot aniya na sa tuwing siya ay mamimili sa MFT, halos lahat ng mga itinitindang produkto ay galing pa sa mga karatig na bayan gayung layunin ng MFT na magkaroon ng koneksiyon sa mga lokal na magsasaka ng bayan.

Dahil dito hinimok ng alkalde ang mga residente lalung lalo na ang mga magsasaka na tutukan ang sektor ng agrikultura upang makamit ng bayan ang self-sustainability at food security.

Dapat aniya na maging competitive ang mga mamamayan sa larangan ng agrikultura lalo na maaaring bumulaga na lamang ang pederalismo dahil sa ito aniya ay natutulog lamang sa kongreso subalit tahimik na gumagalaw kaya nararapat na paghandaan ng bayan ang kakayanan nitong magsupply at gumawa ng sariling pagkain sa nasasakupan nito.

Aniya, hindi niya isinasantabi ang pagmimina bilang mahalagang sektor na pinagkukunan ng hanap buhay ng mga taga Jose Panganiban subalit may panahon lamang aniya ang pagha-high grade at nauubos rin ang mineral sa paglipas ng panahon.

Darating aniya ang panahon na babalik ang lahat sa pagsasaka o sa sektor ng agrikultura at pangingisda kaya sa huli ay ibinigay nito sa mga kamay ng mga Punong Barangay ang pagtugon sa naturang hamon.

Camarines Norte News

Photos courtesy of Aris Alexopolous

Leave a Reply

Your email address will not be published.