PROVINCIAL GOVERNMENT NG CAMARINES NORTE, PASOK BILANG NATATANGING PROBINSIYA SA KABIKULAN NA TATANGGAP NG SEAL OF GOOD LOCAL GOVERNANCE MULA SA DILG!

Oktubre 3, 2018, Daet, Camarines Norte – Pasok ang  Pamahalaang Panlalawigan ng Camarines Norte bilang natatanging probinsiya sa Bicol Region na tatanggap ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance  (SGLG) para sa taong 2018.

http://camnortenews.com/page/wp-content/uploads/2018/10/sglg1.jpg

Ito ay matapos lumabas nitong nakatalikod na Oktubre 1 , 2018 ang resulta ng ginanap na ebalwasyon kung saan kinumpirmang nakapasa ang lalawigan sa mabusising validation process. Magugunitang Agosto 15 nang taong kasalukuyan ng magtungo sa Camarines Norte ang validation team ng Department of Interior and Local Government (DILG) para sa validation process.

http://camnortenews.com/page/wp-content/uploads/2018/10/sglg2.jpg
http://camnortenews.com/page/wp-content/uploads/2018/10/sglg3.jpg

Nabatid na ang lalawigan ang natatanging clean passer sa ginawang assessment sa buong kabikulan para sa kategorya ng provincial government habang ang bayan naman ng Paracale ang nakapasok sa kategorya ng municipal government.

Ibig sabihin nito, matagumpay na pumasa ang lalawigan sa pitong inilatag na pamantayan  ng DILG sa pagsusulong ng Philippines Development Principle na “Gobyernong may Malasakit tungo sa Pagbabago at Patuloy na Pag-unlad” na kinapapalooban ng:

1.Financial Administration

2.Disaster Prepredness

3.Social Protection

  1. Peace and Order
  2. Business Friendliness and Competitiveness
  3. Environmental Management; at
  4. Tourism, Culture and Arts.

Bukod pa dito, ipinakita din ng Pamahalaang Panlalawigan ng Camarines Norte sa pamamagitan ng mga namumuno dito at mahuhusay na manggagawa, ang positibong resultang pinagtulungan ng bawat isa.

Ayon sa DILG, ang SGLG ay nagtataguyod ng accountability sa paggamit ng pampublikong pondo sa pamamagitan ng paghahatid ng pangunahing serbisyong tumutugon sa mga kailangan ng mamamayan. Kumikilala ang SGLG sa mga provincial, municipal at city governments na mahuhusay hindi lamang sa financial housekeeping, kundi pati na rin sa iba pang components na direktang nakapagbibigay ng tulong sa kanilang mga nasasakupan.

Unang nakamit ng ating Lalawigan ang Seal of Good Housekeeping noong 2014. Taong 2015, nakuha ng Camarines Norte ang Conferment of Post Compliant. Taong 2016 naman tinanggap ng lalawigan ang Certificate of Recognition para sa SGLG at nito lamang nakatalikod na Marso 2018 ay binigyan na itong Certificate of Recognition bilang 2017 SGLG Post Conferment Qualifier.

Camarines Norte News

Details and Photos courtesy of Provincial Information Office- Camarines Norte

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *