Oktubre 15, 2018, Daet, Camarines Norte – Bumagsak sa kamay ng awtoridad ang isang 39 anyos na lalaki sa isinagawang buy-bust operation dakong 1:30 kaninang madaling araw sa Purok 1, Brgy. Magang, Daet, Camarines Norte.
Kinilala ang drug suspect na si Renato Biasong y Labaco, 39 anyos, residente ng Purok 1, Brgy. Camambugan ng parehong bayan.
Nadakip ag suspek matapos itong mahuli sa aktong nakikipagtransakyon sa poseur buyer sa isinagawang operasyon ng Daet Municipal Police Station, Philippine Drug Enforcement Team (PDET) at Philippine Drug Enforcement Authority (PDEA).
Narekober mula sa suspek ang apat (4) na sachet ng hinihinalang shabu (buy bust drug), isang (1) wallet, isang (1) Php 500 bill at isa pang malaking plastic sachet na naglalaman naman ng limang (5) maliliit na sachet ng hinihinalang ilegal na droga.
Nasa kustodiya na ng Daet MPS ang nadakip na suspek na sasampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Camarines Norte News
Photos courtesy of Donde Consuelo

