2 SUNDALO PATAY, 2 PA SUGATAN SA SAGUPAAN NG MILITAR AT HINIHINALANG NPA SA BAYAN NG LABO!

http://camnortenews.com/page/wp-content/uploads/2018/10/domagmang1.jpg

Oktubre 16, 2018 Labo, Camarines Norte – Dalawa amg kumpirmadong patay habang sugatan ang dalawang iba pa matapos ang naganap na engkwentro sa pagitan ng 9 na sundalo at tinatayang 30 miyembro ng hinihinalang New People’s Army (NPA) sa may bahagi ng Brgy. Dumagmang, Labo, Camarines Norte nitong Linggo ng hapon, Oktubre 14, 2018.

Ayon kay Col. Paul Regencia, tagapagsalita ng 9th Infantry Division, Philippine Army, nagsasagawa ng security operation ang siyam na sundalo nang bigla na lamang makasagupa ng mga ito ang mga rebeldeng grupo.

Tumagal ang palitan ng putok ng halos 25 minuto na nagresulta sa pagkamatay ng dalawang sundalo at pagkasugat ng iba pa.

Ayon pa kay Col. Regencia, nahiwalay ang limang sundalo sa gitna ng putukan ngunit nakabalik rin kalaunan.

Samantala, patuloy naman ang ginagawang pursuit operation ng tropa ng 9th ID PA upang tugisin ang mga nakasagupa ng grupo.

Sa ngayon ay nagpapagaling ang mga sugatan matapos ang engkwentro sa panig ng gobyerno ngunit hindi naman matiyak ng opisyal kung may sugatan sa kabilang panig.

Camarines Norte News

Photo courtesy of Romeo Bravo Shiera

Leave a Reply

Your email address will not be published.