3 MIYEMBRO NG PNP PATAY, 3 PA SUGATAN SA AMBUSH NA NAGANAP SA LUPI, CAMSUR!

http://camnortenews.com/page/wp-content/uploads/2018/10/lupi1.jpg

Oktubre 18, 2018, Lupi, Camarines Sur —Patay ang tatlong miyembro ng PNP habang sugatan naman ang tatlo pa sa ambush na naganap dakong 9:10 kaninang umaga sa  Brgy.Napolidan, Lupi,Camarines  Sur.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, sakay ng PNP-marked vehicle ang mga biktima habang nagcoconvoy ito sa sasakyan ni Food and Drug Administration Director General Nela Charade Puno na patungo sa Daet, Camarines Norte para sa isasagawang Consumer Awareness Advocasy and Collaboration Activity nang bigla na lamang paulanan ng bala ang likurang bahagi ng convoy ng humigit kumulang sa dalwampung (20) miyembro ng hinihinalang rebeldeng NPA.

http://camnortenews.com/page/wp-content/uploads/2018/10/lupi2.jpg
http://camnortenews.com/page/wp-content/uploads/2018/10/lupi3.jpg

Agad namang rumisponde sa lugar ang mga Route security personnel mula sa 1st Camarines Sur PPSC at gumanti ng putok sa kalaban.

Nakaligtas mula sa pamamaril si Director General Puno habang agad namang isinugod sa Bicol Medical Center ang mga sugatang kapulisan na sina PO1 Jonathan P PerilloPO1 Ruby S Buena at PO1 Rodolfo F Gonzaga na pawang mga detailed security escorts ni Puno.

Samantala kinilala naman ang mga nasawi sa ambush na sina SPO1 Percival S Rafael, PO3 Carlito S Navarroza at PO1 Ralph Jason D Vida.

Sa kasalukuyan ay nagsanib pwersa na ang PNP at Phil Army sa pagtugis sa mga tumakas na hinihinalang mga rebeldeng NPA.

Camarines Norte News

Photo from PNP Bicol Regional Office

Leave a Reply

Your email address will not be published.