DRIVER PATAY SA PAMAMARIL NG DI NAKILALANG SUSPEK SA BAYAN NG LABO!

http://camnortenews.com/page/wp-content/uploads/2018/11/smash1.jpg

Nobyembre 6, 2018, Labo, Camarines Norte – Tatlong tama ng bala mula sa pamamaril ng hindi nakilalang suspek ang agad na kumitil sa buhay ng isang driver sa Purok 4, Brgy. Talobatib, Labo, Camarines Norte dakong 8:00 kagabi, Nobyembre 5, 2018.

Kinilala ang biktima na si Eric Abanes y Yanto, 40 anyos, may asawa, driver at residente ng Purok San Roque, Brgy. Matoogtoog, Mercedes, Camarines Norte.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng kapulisan, kasalukuyang naghuhugas ng plato sa kanilang kusina ang isa sa mga residente sa lugar nang bigla na lamang itong makarinig ng tatlong (3) putok ng baril dahilan para lumabas ito at tingnan kung ano ang nangyari.

Doon na umano tumambad ang katawan ng biktima na nakabulagta sa tabi ng minamaneho nitong Suzuki Smash malapit sa waiting shed sa nasambit na lugar.

Samantala, bago ang pamamaril ay isa rin umanong residente sa lugar ang nakakita ng dalawang (2) kalalakihan (isang sakay ng Mio motorcycle at isang nakatayo lamang) na nasa naturang waiting shed na siyang itinuturing ngayong suspek sa krimen.

http://camnortenews.com/page/wp-content/uploads/2018/11/smash2.jpg

Matapos ang insidente ay magkasama din umanong umalis ang dalawa sakay ng nasambit na motorsiklo patungo sa timog na bahagi ng bayan.

Nagsasagawa na ang kapulisan ng follow up investigation upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek at pagkadarakip dito gayundin ang motibo sa krimen.

Camarines Norte News

Photos courtesy of SM Rey Kenneth Oning

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *