SAMPUNG PISONG PAMASAHE SA TRICYCLE, IPINATUTUPAD NA SA BAYAN NG DAET

SAMPUNG PISONG PAMASAHE SA TRICYCLE, IPINATUTUPAD NA SA BAYAN NG DAET

DAET, CAMARINES NORTE (JAN. 03, 2019) – Pormal ng ipinatupad simula unang araw nitong buwan ng Enero 2019 ang dalawang pisong dagdag sa minimum na pamasahe sa tricycle sa bayan ng Daet, Camarines Norte.

Ito ang nilinaw ng Fetoda President Alex Sulpa at ng TRU Office sa pamamagitan ni Konsehal Rosa Mia King ng bayan ng LGU Daet.

Sa bagong fare matrix, sampung piso na ang magiging minimum na pamasahe sa tricycle habang discounted pa rin ang pamasahe ng mga estudyante, senior citizens at PWDs at iba pa,

Paglilinaw pa ng tricycle regulatory unit ng Daet, dapat mayroong kopya ng bagong fare matrix ang mga pumapasadang tricycle at ito ay dapat na malinaw at nakalagay sa makikita ng mga pasahero.

Hindi anya pinahihintulutan ng TRU na maningil ang isang Tricycle driver kung walang Matrix, at maaring ireklamo sa kanilang opisina.

Hinihikayat din ang mga pasahero na inireklamo sa kanilang tanggapan ang mga tricycle driver na maniningil ng sobra at hindi tatalima sa bagong fare matrix na ipinasusunod na sa ngayon.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published.