DAET, CAMARINES NORTE (JAN. 9, 2019) —Isang imbitasyon ang ipinadala ng Sangguniang bayan ng Daet sa SSS at PAGIBIG upang ipinaliwanag ang magiging proseso ng pag avail ng programa ng ahensya kung saan maaring makapag loan ang mga residente na naapektuhan ng nagdaang kalamidad.
Itoy matapos na imungkahi ni Konsehal Sherwin Asis sa mga miyembro ng Sangguniang bayan ng Daet dahil na rin nagdaang bagyong Usman at maisailalim sa State of Calamity ang lalawigan ng Camarines Norte.
Marami kasi ang napinsalang kabahayan, ari-arian at maging ang ikinabubuhay ng mga magsasaka kung kaya’t nais nitong malaman ang tamang proseso ng pag-avail ng calamity loan.
Ayon kay Asis, marami kasing empleyado ng gobyerno at pribadong kumpanya ang nais na mag-avail ng calamity loan na naapektuhan ng nakaraang bagyo.
Samantala, posibelng sa darating na Lunes sa isasagawang regular na sesyon, maimbitahan ang mga representante ng nasabing tanggapan habang nasa ilalim pa ang lalawigan ng Camarines Norte sa State of Calamity.
Camarines Norte News