TOP PERFORMING BUSINESS ESTABLISHMENT PARA SA TAONG 2018, PINARANGALAN NG LGU DAET!

TOP PERFORMING BUSINESS ESTABLISHMENT PARA SA TAONG 2018, PINARANGALAN NG LGU DAET!

January 7, 2019, Daet, Camarines Norte – Binigyan pagkilala ng pamahalaang lokal ng Daet kaninang umaga ang mga nangunang negosyo dito sa bayan ng Daet para sa nakatalikod na taong 2018.

Naging batayan ng naturang parangal ay ang halaga ng kanilang naging kontribusyong buwis sa pamahalaang lokal sa loob ng isang buong taon.

Ayun kay Daet Municipal Treasurer Rodante Forbes, malaki ang nagiging kontribusyon ng naturang mga business establishment sa ekonomiya ng bayan ng Daet.

Sa nakatalikod na taon, sinabi ni Forbes na nalagpasan nila ang kanilang target collection para sa taong 2018 dahilan na rin sa pakikiisa ng mga negosyante, partikular ang pagbabayad ng tamang buwis.

Hinati sa tatlong kategorya ang naturang parangal, ang National Business CategoryLocal Business Category at Branch Business Category.

Sa National Business Category, nanguna ang Super Shopping Market Inc. ang tagapamahala ng SM Hypermarket, sinundan ng PMFTC Inc.; COCA-COLA FEMSA PHILS Inc.; PRIMEWATER INFRASTRUCTURE CORPORATIONBICOLANDIA DRUG CORPORATION, tagapamahala ng Mercury Drug Brgy 5 Daet; LANDBANK OF THE PHILSBICOLANDIA DRUG CORPORATIONMercury Drug Vinzons Ave.; CITISTORES INC. tagapamahala ng Centro Department StoreALEX DELA CRUZ ng 101 Department Store at SUPERLINES TRANS COMPANY, Inc.;

Sa Local Business Category, narito ang pagkakasunod-sunod na pinangunahan ng:

  1. JACK TRADING INC. – Houseware Plaza Superstore
  2. PAUL SEBASTIAN TANZO – P Tanzo Prime Goods Source
  3. JORGE D. TAN – Stance Sales and Distributor
  4. FAMILY MERCHANT PROJECT DEVELOPMENT CORP. – Central Plaza Complex
  5. ALEXANDER Z. TANG – Bicol Agricultural Center
  6. STARGAS CORPORATION –
  7. JEROME O. YAO – Jeramy Commercial
  8. TERESA D. TAN – JT Intandem Sales & Distribution
  9. NORMAN L. ONG – Nelson Hardware & Construction Supply
  10. VER KAPALUNGAN – Brentmin Roofing Enterprise

Sa Branch Business Category, pinangunahan naman ng:

  1. STAR HARVEST FOOD INC. – Jollibee Pimentel
  2. AVON COSMETICS INC
  3. RNM FOOD CORPORATION – Jollibee Bayan Daet
  4. HONDA PRESTIGE TRADERS INC.
  5. FLORITA B. VITANGCOL – St. Peter Life Plan Inc.
  6. FAMILY MERCHANTS PROJECT DEVELOPMENT CORPORATION – Shakeys Daet
  7. NORMA PALMA – NMR-San Miguel Bottlers Distribution
  8. PERSONAL COLLECTION DIRECT SELLING INC. – Personal Collection
  9. ANTONIO S. APUYA – Best Merchants Enterprises TOTAL Gasoline Station
  10. AVENCIO Q. VERDEFLOR – Willy & Sons Corporation

Pinangunahan ni Municipal Treasurer Rodante Forbes ang nasabing programa, katuwang si Municipal Administrator Joan Cristine Tabernilla De Luna, Konsehal Apolonio Panong bilang Chairman ng Trade and Industry ng Sangguniang Bayan ng Daet at ni Former Negosyo Center Manager Ma. Eliza Llovit bilang chairperson ng awards committee.

Samantala, una na ring nagpasalamat si Mayor Benito Ochoa sa mga negosyante sa patuloy na suporta ng mga ito sa pamahalaang lokal ng Daet.

Ayun sa alkalde, bukod sa buwis na kanilang ipinapasok sa kaban ng bayan ay malaking tulong din ang mga ito sa pagbibigay ng trabaho sa mga mamamayan ng Daet at sa mga karatig-bayan.

Tinitiyak din ni Mayor B2k Ochoa na napupunta sa tama ang mga buwis ng inilalagak ng bawat tax payers partikular sa mga proyekto at programang pinakikinabangan ng mga mamayan at sa pag unlad ng bayan.

Rodel M. Llovit

Photos © Nardz Hernandez

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *