ISYU KAUGNAY NG PAGKUMPISKA SA MGA ITINITINDANG FROZEN FISH, PINASISILIP NG BFAR SA LGU-DAET

ISYU KAUGNAY NG PAGKUMPISKA SA MGA ITINITINDANG FROZEN FISH, PINASISILIP NG BFAR SA LGU-DAET

DAET, CAMARINES NORTE (JAN. 14, 2019) – Nakikipag ugnayan na ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa pamahalaang bayan ng Daet upang tutukan ang isyu kaugnay panghuhuli at pagkumpiska sa mga ibinibentang frozen fish sa Daet Public Market.

Sa isang sulat ni BFAR Provincial Fishery Officer Gil Ramos kay Daet Municipal Administrator Joan Kristine T. De Luna na may petsang January 10, 2019, hinikayat nito ang LGU na makipag dayalogo sa mga magtitinda ng isda kaugnay sa nasabing isyu.

Pinaiimbitahan ni Ramos ang Market Administrator, Municipal Agriculturist Officer at mga market vendors.

Handa naman daw ang BFAR na ipaliwanag ang mga legal basis kaugnay sa usapin ng pagbebenta ng fishery products.

Nag- ugat ang isyu matapos magreklamo ang isang nagtitinda ng isda sa loob ng Daet Public Market dahil sa mga panghuhuli umano ng tanggapan ng Market Administrator sa mga nagtitinda ng frozen fish.

Base sa kwento ng nagreklamo nagsimula raw ang ganitong sistema noon pang buwan ng Nobyembre kung saan may may pagkakataon daw kasi na nagsagawa ng panghuhuli na walang ID ang mga nanghuhuli, walang permit to confiscate at wala ring assistance mula sa PNP, Dept. of Agriculture at BFAR at wala rin daw kasamang fish examiner kung kaya’t kinikwestyon ng mga ito ang legalidad ng ginawang pag huli sa kanila.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *