University status ng CNSC malapit ng maisabatas; panukala isasalang na sa Senado!

University status ng CNSC malapit ng maisabatas; panukala isasalang na sa Senado!

Enero 21, 2019, Daet, Camarines Norte. Sa ilang linggo o buwan na lamang ay posible ng maisabatas ang “University Status” ng CNSC (Camarines Norte State College) matapos aprubahan ng mga kongresista ang House Bill number 8800 sa third and final reading nito.

Ang nasabing House Bill ay ipinanukala nina Camarines Norte 1st District Representative Renato Unico Jr. at Camarines Norte 2nd District Representative Marisol “Toots” Panotes kasama na rin ang iba pang mga kongresista ng mababang kapulungan.  Ang nasabing panukalang batas ay naglalayong i-convert ang nasabing paaralan tungo sa isang Unibersidad.

Oras na makalusot sa Senado at mapirmahan ng Pangulo, kasabay na rin ng approval ng CHED (Commission on Higher Education) ay tatawagin na ang CNSC bilang “University of Camarines Norte”, ang pinakaunang Unibersidad sa lalawigan ng Camarines Norte.

Inaasahan na mas magdadala ng development sa lalawigan ang nasabing panukalang batas partikular na sa pagpapataas ng antas ng edukasyon.

Matatandaan rin na ang ama ni Cong. Jojo Unico na si former Cong. Renato Unico Sr. ang siyang nagpanukalang baguhin ang dating Camarines Norte National High School sa  (CNSC) Camarines Norte State College noong 1991.

Samantala, malinaw sa batas na hindi pa rin maipagkakaloob ang “University Status” sa isang paaralan kahit ito ay maaprubahan na ng Kamara, kinakailangan pa rin na makacomply ang nasabing paaralan sa standards na ipapatupad ng CHED para ito ay tuluyang mapagkalooban ng University Status.

Blaise Henry E. Ilan

Camarines Norte New

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *