Mayor Carlwyn Baldo ng Daraga, Albay inaresto na, mga iligal na armas narekober sa bahay ng alkalde!

Mayor Carlwyn Baldo ng Daraga, Albay inaresto na, mga iligal na armas narekober sa bahay ng alkalde!

Enero 22, 2019, Daet, Camarines Norte. Humihimas na ng malamig na rehas ng bakal ang itinuturong mastermind sa pagpatay kay AKB Partylist Congressman Rodel Batocabe na si Daraga, Albay incumbent Mayor Carlwyn Baldo matapos marekober sa pamamahay nito ang ilang kalibre ng mga hindi lisensyadong baril at pampasabog na umano’y posibleng ginamit sa pagpaslang sa nabanggit na Kongresista.

Sa bisa ng dalawang search warrant na inisyu nina Judge Maria Theresa San Juan Loquillano at Judge Elmer M. Lanuzo, nahukay ng mga pulisya sa ilalim ng compound ng pamamahay ni Baldo ang dalawang Kalibre 45 na baril, isang Grenade launcher ammunition, magazine ng Uzi machine pistol, mga bala para sa Kalibre 45 at  isang bala ng M16 rifle, na ayon sa mga pulis ay pawang mga hindi lisensyado. Ang lahat ng ito ay nahukay na nakalagay sa isang bag sa mismong compound ng pamamahay ni Baldo.

Ayon pa sa pulisya, natunton ang kinalalagyan ng mga nasabing armas matapos itimbre ito sa kanila ng isa sa mga suspek na di umano’y siyang nagbaon ng mga ito sa compound ng nasabing alkalde. Ayon pa sa nasabing suspek, ginamit rin umano ang sasakyan ni Mayor bilang escape vehicle matapos nilang isagawa ang krimen noong December 22. Dahil dito ay kinumpiska rin para isama sa imbestigasyon ang nasabing kotse ni Baldo.

Idinetalye ng isa sa mga suspek sa pamamagitan ng isang sketch ang kinalalagyan ng mga armas na nakabaon sa compound ni Mayor Baldo. Photo by Renz Luna

Sa pagkakarekober ng mga nasabing armas ay tiyak na mas magiging malakas ang ebidensya laban kay Mayor Baldo. Kahaharapin niya ang kasong Illegal Possession of Firearms, bukod pa sa nakabinbin nitong kaso ng Double Murder kaugnay nga ng pagpaslang kay Congressman Batocabe at sa bodyguard nito.

*photos by Renz Luna

Blaise Henry E. Ilan

Camarines Norte News 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *