PAMAHALAANG PANLALAWIGAN NG CAMARINES NORTE ISINUSULONG ANG PAGKAKAROON NG MALASAKIT CENTER SA CNPH

PAMAHALAANG PANLALAWIGAN NG CAMARINES NORTE ISINUSULONG ANG PAGKAKAROON NG MALASAKIT CENTER SA CNPH

DAET, CAMARINES NORTE (Enero 23, 2019) – Isinusulong ngayong ng Provincial Govt sa pangunguna ni Gov. Edgardo Tallado ang pagkakaroon ng Malasakit Center sa Camarines Norte Provincial Hospital sa layong matugunan ang mga pangangailangan ng mga mahihirap na pasyente sa lalawigan.

Mababatid ang sumulat na ang punong lalawigan sa Malacañang sa pamamagitan ni dating Special Assistant to the President Bong Go na nagpapahayag ng pagnanais ng Provincial Government na malagyan ng Malasakit Center sa CNPH tulad ng ibang ospital sa rehiyon.

Ito ay pagtalima na rin sa adbokasiya ng pangulo na iprayoridad ang kalusugan at matulungan ang mga mamamayan na walang kakayahan na makapag pagamot at masiguro na matutugunan ang kanilang mga pangangailangang medical.

Oras na magkaroon  ng Malasakit Center sa CNPH, ito ay magsisilbing one-stop-shop na siyang tutugon sa mga idudulog na pangangailangang pang medikal ng mga mahihirap na pasyente at iba pang medical-related needs ng mga ito.

Sa tulong din nito, libreng makakapa ospital ang mga mahihirap na pasyente bukod pa sa mga ipapamahagi na mga libreng gamot.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *