Enero 24, 2019, Daet, Camarines Norte. Tinuldukan na ng pamunuan ng Daet Municipal Police Station ang mga napabalitang di umano’y may muntik ng dukuting bata sa Barangay 4 Mantagbac at sa ibang eskwelahan sa bayan ng Daet. Ito ang kinumpurma ni Police Superintendent Bernette M Nabunat, ang OIC Chief of Police ng Daet PNP, sa ginawang panayam ng Cool Radio News sa programang Dyaryo sa Cool Radio kaninang umaga.
Ayon kay Nabunat, kahapon pa ay vinalidate na nila ang nasabing balita na kung saan ang mismong batang involved ang nakausap ng pulisya. Kahit mismo ang mga otoridad ay nalilito sa mga kwento ng bata na lumalabas na natakot lamang sa nakaparadang sasakyan, na marahil ay dahil na rin sa sinabi ng lola nito na wag maglayas dahil sa may nangunguhang bata.
Ayon pa kay Nabunat, humingi sila ng tulong sa Brgy council upang alamin kung mayroong mga cctv sa nasabing lugar na nakakuha ng footage ng isang sasakyang umaaligid sa may paaralan. Dagdag pa ng otoridad, hindi umano nila isinasantabi ang nasabing balita na lumikha ng malaking takot at pangamba sa mga magulang,guro at mga estudyante. Hinihikayat naman ang mga magulang upang mag doble ingat at pangangalaga sa kanilang mga anak.
Sa ngayon ay patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon upang alamin kung paano, saan at sino ang nagpakalat ng haka hakang balita. Inatasan na din ng nasabing opisyal ang kanyang mga tauhan sa Daet PNP na lalo pang pag-ibayuhin ang pagsasagawa ng check point sa mga pangunahing kalsada sa bayan ng Daet.
Jometh Umali
Cool Radio News