
Oktubre 28, 2019, Labo, Camarines Norte– Personal na iniabot nina Governor Egay Tallado kasama si Regional Director Lee T. Arroyo ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) Region Vat si Gng. Agnes Salvino, Provincial Officer,NCIP V, CNPO., ang Certificate of Ancestral Domain Title o CADT na umaabot sa higit 22 hektarya ng lupain para sa mga katutubong Manide sa bayan ng Jose Panganiban.

Ito ay kasabay ng isinagawang “Serbisyo Caravan para sa mga Katutubo” sa Labo Convention Center kamakailan sa pamamagitan ng iba’t ibang ahensya ng Gobyerno sa pangunguna ng Provincial Government katuwang ang AFP, DOH, Philhealth, DSWD, PSA, TESDA, PNP, DAR, DA at iba pa kasabay rin nito ang suporta ng iba’t ibang Lokal na Pamahalaan.
Dinaluhan ito ng mga katutubo mula sa ibat ibang panig ng lalawigan ng Camarines Norte
Parte ang nasambit na gawain ng selebrasyon ng ika-22nd Year Anniversary of the Indigenous Peoples Righs Act (IPRA) na may temang “Empowering Indigenous Peoples through the Whole-of-Nation Approach” nitong nakatalikod na Oktubre 25, 2019.
Ayon sa Gobernador “Walang sawang pagmamahal at suporta ang aking ipinaramdam mula pa sa aking panunungkulan bilang Gobernador ng Lalawigan hanggang sa kasalukuyan para lamang makatulong sa ating mga Katutubong Manide“.


Ayon pa sa Gobernador,kanyang pinaparamdam ang pagkalinga katuwang ang Kongresista mula sa Unang Distrito na si Congresswoman Josie Baning Tallado para sa mga katutubo sa pamamagitan ng pag-iikot nila sa 282 barangay sa pamamagitan ng Multi-Services Caravan at marami sa kanila ang napapagkalooban na ng serbisyo katulad ng medikal at iba pa kasama na rin ang mga gawaing imprastraktura na ngayon ay pinapakinabangan na sa bawat sulok ng lalawigan .
Camarines Norte News
Details and photos courtesy of Roden Rosario