DAET, CAMARINES NORTE (Pebrero 06, 2019) – Pinangunahan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Camarines Norte katuwang ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ang maagang naghahanda para sa 1st Quarter 2019 Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) katuwang ang Office of the Civil Defense Region V sa darating na February 21, 2019.
Isang pagpupulong ang isinagawa kaugnay sa nasabing aktibidad kung saan binigyang diin ni PDRRM Officer Antonio España na seryoso ang Pamahalaang Panlalawigan ng Camarines Norte sa mga kahalintulad na programa at aktibidad para mapataas ang antas ng kaalaman ng bawat Camnorteño sa mga dapat gawin, sakaling magkaroon ng malakas na lindol.
Bukod ng gagawing Earthquake Drill ang pagpapatunog ng simulation siren o sirena, hudyat ng pagkakaroon ng isang lindol na may magnitude 7.2.
Sa pagtunog ng sirena, isasagawa ng mga participants ang Duck, Cover and Hold.
Dito rin ipapakita ng mga opisyal at miyembro ng Disaster Risk Reduction and Management Team ang kanilang kakayahan sa pagtugon sa mga sumusunod, sa gagawing simulation drill.
- Paggamit ng Incident Command system
- Collapse Structure Scenario
- Trapped victims on collapsed building
- Seriously injured victims
- Triaging technique
- Looting Incident; at
- Evacuation dahil sa tsunami threat.
Ang First Quarter 2019 Nationwide Simultaneous Earthquake Drill na isasagawa sa Camarines Norte ay lalahukan ng humigit-kumulang sa tatlong libong participants mula sa ibat-ibang ahensya ng Pamahalaan, gayundin ng mga mag-aaral mula sa Camarines Norte State College.
Camarines Norte News