Provincial Buses ipagbabawal na sa EDSA simula buwan ng Abril; mga pasahero galing probinsya nangangamba!

Provincial Buses ipagbabawal na sa EDSA simula buwan ng Abril; mga pasahero galing probinsya nangangamba!

Pebrero 8, 2019, Daet, Camarines Norte. Hindi na papahintulutan pang bumiyahe sa kahabaan ng EDSA ang mga bus na manggagaling sa mga probinsya simula sa buwan ng Abril 2019, iyan ay ayon na rin sa binabalak na hakbang ng MMDA (Metro Manila Development Authority) upang masolusyunan umano ang malalang trapik sa nabanggit na kalsada.

Ayon sa pinapanukalang hakbang ng ahensya, ang mga bus na magmumula sa mga hilagang probinsya tulad ng Benguet, Ilocos Sur at Norte, Abra, Bulacan, Pampanga, etc ay kailangang ibaba ang kanilang mga pasahero sa gagawing integrated bus terminal sa Valenzuela city.

Ang mga bus naman galing sa mga probinsya at rehiyon sa timog tulad ng Quezon, Batangas, Bicol, Visayas at Mindanao ay kailangang ibaba ang kanilang mga pasahero sa Integrated bus terminal sa Sta. Rosa, Laguna.

Dahil sa nasabing hakbang, nanganganib na ipasara ang 46 na provincial bus terminal sa Cubao, Quezon city kasama na ang terminal ng Superlines at DLTB na siyang madalas na maghatid ng mga pasahero mula kabikulan patungong kamaynilaan. Ang nasabing hakbang ay umani ng batikos sa publiko dahil sa dagdag pahirap na dala nito sa mga biyahero mula probinsya. Marami sa mga luluwas pa maynila ay kakailanganin pang mag-double ride

bago makarating sa kalakhang maynila. Maganda man ang layunin ng nasabing hakbang ay tila hindi naman pabor ang nakararami rito partikular na ang mga commuters.

Samantala, matatandaan na sinimulan ng bawasan ng MMDA ang bilang ng mga bus na pumapasok sa EDSA matapos ilipat ang ibang mga biyahe sa mas maluwag na terminal sa Paranaque city.

Blaise Henry E. Ilan

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *