Jose Panganiban Mayor Dong Padilla isinuko ang kanyang mga armas sa pulisya!

Jose Panganiban Mayor Dong Padilla isinuko ang kanyang mga armas sa pulisya!

Pebrero 9, 2019, Daet, Camarines Norte. Personal na itinurn-over ni Jose Panganiban Mayor Ricarte “Dong” Padilla ang kanyang mga armas sa tanggapan ng Jose Panganiban Municipal Police kaugnay nga ng nagpapatuloy na kampanya ng pulisya kontra sa paggamit o pagdadala ng armas ng mga pulitiko sa darating na halalan.

Sa harap ng mga personahe ng kapulisan ng nasabing bayan ay itinurn-over ni Padilla ang kanyang apat na iba’t-ibang klaseng kalibre ng baril partikular na ang isang Submachine gun POF Caliber 9mm, isang TRUS (Taurus) Caliber 9mm, isang RGR (Ruger) 380 Pistol, at isang MP5 (Machine Pistol) KA4.

Ang mga nasabing matataas na kalibre ng baril ay isinurrender para sa safekeeping purposes sa darating na halalan. Matatandaan na nauna ng sinabi ni Pangulong Duterte sa harap ng mga Barangay officials sa Legazpi city kahapon ang kanyang pagtutol sa pagdadala ng mga pulitiko ng mga armas partikular na ang mga long firearms.

Samantala, nagpapatuloy naman ang gun ban ng pulisya upang matiyak ang peace and order sa paparating na halalan sa buwan ng Mayo.

Si Mayor Dong Padilla ay kasalukuyang kumakandidato para sa pagka bise-gobernador ng lalawigan ng Camarines Norte kontra kay incumbent Vice Governor Jonah Pimentel.

photos from Jose Panganiban Municipal Police

Blaise Henry E. Ilan

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *