Tatlo arestado dahil sa iligal na patupada sa Labo, Camarines Norte!

Tatlo arestado dahil sa iligal na patupada sa Labo, Camarines Norte!

Pebrero 19, 2019, Daet, Camarines Norte.  Arestado ang tatlong indibidwal sa bayan ng Labo, Camarines Norte habang nagsasagawa ng patupada nitong nakaraang linggo, Pebrero 17,  dakong 11:30 ng tanghali sa Barangay Tigbinan sa nasabing bayan.

Kinilala ang mga naaresto na sina Danilo Madera, limampu’t pitong (57) taong gulang, Renato Elopre Jr., tatlumpu’t anim (36) na taong gulang, at Roberto Quintela, pitumpu’t apat (74) na taong gulang, lahat pawang mga residente ng nasabing barangay.

Ayon sa Labo Municipal Police, nadakip ang mga nasabing suspek habang isinasagawa ang krimen matapos silang magkondukta ng biglaang operasyon kontra sa nasabing iligal na aktibidad.

Nakumpiska sa mga suspek ang ilang mga gamit sa patupada partikular na ang dalawang tari, tatlong manok panabong, at pamustang pera na aabot sa 350 piso ang halaga.

Ang mga nasabing suspek ay dinala sa himpilan ng pulisya para sa mga kaukulang disposisyon. Samantala nakasaad naman sa Presidential Decree No. 449 o mas kilala sa Cockfighting Law of 1974 na ang pagsasagawa ng sabong ay para lamang sa pagpapanatili ng tradisyon at kultura ng Pilipinas at hindi sa iligal na pagsusugal.

Blaise Henry E. Ilan

Camarines Norte News 

Leave a Reply

Your email address will not be published.