Gobernador Edgardo Tallado: 200,000 pisong pabuya sa makakapagturo sa pumaslang kay Agent Barba

Gobernador Edgardo Tallado: 200,000 pisong pabuya sa makakapagturo sa pumaslang kay Agent Barba

Pebrero 23, 2019, Daet, Camarines Norte. Handang magbigay ng dalawang daang libong (200,000) pisong pabuya ang Pamahalaang Panlalawigan ng Camarines Norte para sa ikalulutas ng kasong pagpaslang kay PDEA Agent Enrico Barba, iyan ay ayon sa opisyal na pahayag ni Gobernador Edgardo “Egay” Tallado tungkol sa nasabing isyu.

Ayon sa pahayag ng Gobernador, kinukundena ng Pamahalaang Panlalawigan ang karumal-dumal na pagpatay sa nasabing PDEA agent. Kasabay umano ng kanilang suporta sa giyera kontra droga ay ang kanilang pakikiisa sa pagpapanagot sa mga indibidwal na nagkasala sa ilalim ng batas.

Dahil dito ay handa umano ang kanyang tanggapan na magbigay ng 200,000 pabuya para sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon o makapagtuturo sa pumatay kay Barba. Si Barba ay natagpuang patay sa gilid ng isang National Highway sa Camarines Sur matapos umano itong mapaulat na nawawala nang makipagkita sa isang informant ng PDEA.

Nagtamo rin ng mga malalang tama si Barba sa iba’t ibang parte ng katawan, isang indikasyon na ito ay tinorture muna bago tuluyang pinatay.

Umaasa ang lokal na pamahalaan na sa pamamagitan ng pabuya ay mas mapapabilis ang paglutas sa kaso ng pinaslang na PDEA Agent.

Blaise Henry E. Ilan

Camarines Norte News 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *