Engkwentro sa pagitan ng militar at NPA sumiklab kaninang umaga sa bayan ng Basud; isa sa hanay ng mga rebelde patay!

Engkwentro sa pagitan ng militar at NPA sumiklab kaninang umaga sa bayan ng Basud; isa sa hanay ng mga rebelde patay!

Marso 3, 2019, Daet, Camarines Norte. Isang engkwentro ang bumungad sa araw ng mga residente ng Barangay Tuaca, Basud, Camarines Norte nang sumiklab ang bakbakan sa pagitan ng militar at ilang miyembro ng NPA (New People’s Army) kaninang alas sais (6 am) ng umaga sa nasabing lugar.

Sa inisyal na report ay aabot sa labinlimang (15) rebelde ang nakasagupa ng pwersa ng militar sa loob ng halos limang minuto. Patay sa bakbakan ang isang hindi pa nakikilalang miyembro ng NPA. Narekober sa napatay na rebelde ang isang kalibre kwarenta y singko (45) na baril, isang carbine rifle at isang hand grenade.

Wala namang nakuhang dokumento ng pagkakakilanlan ang mga militar sa nasabing rebelde maliban na lamang sa suot nitong blue/green t-shirt, at itim na jacket at pantalon. 

Nagpapatuloy naman ang hot pursuit operations ng militar at pagsasagawa ng mga checkpoint sa mga karatig bayan ng Basud upang mahuli pa ang mga kasamahan nitong rebelde na tumakas matapos ang nasabing bakbakan.

Blaise Henry E. Ilan

Camarines Norte News 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *