Closed Van at Motorsiklo nagsalpukan sa bayan ng Labo, isa patay!

Closed Van at Motorsiklo nagsalpukan sa bayan ng Labo, isa patay!

Marso 23, 2019, Daet, Camarines Norte. Dead on the spot ang isang indibidwal habang sugatan naman ang dalawang angkas nito matapos sumalpok ang isang motorsiklo sa isang closed van sa may Purok 5, Barangay Talobatib, sa bayan ng Labo mga bandang alas dose kinse (12:15 pm) kahapon (Marso 22, 2019).

Kinilala ang nasawing driver ng motorsiklo na si Gener Esperanza37 taong gulang at residente rin ng nasabing barangay. Samantala, sugatan naman ang dalawang angkas nito na sina Isarael Umerez (18 taong gulang) at Ilsel Jane Hernandez (17 taong gulang) matapos tumilapon sa kalsada.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, nasa bandang kurbada ng kainin ng motorsiklo ang kabilang linya ng kalsada, dahilan upang sumalpok ang motorsiklo sa kasalubong nitong closed van. Tumilapon sa kalsada ang mga sakay ng motorsiklo na naging sanhi ng pagkasawi at sugatan ng mga ito.

Samantala, nasa ligtas namang kondisyon ang driver ng closed van at kusang loob na sumuko sa pulis para sa mga kaukulang disposisyon.

Blaise Henry E. Ilan

Camarines Norte Newsย 

Leave a Reply

Your email address will not be published.