3 patay habang 2 naman ang sugatan sa pagsalakay ng nasa higit 50 miyembro ng NPA sa isang police station sa Northern Samar!

3 patay habang 2 naman ang sugatan sa pagsalakay ng nasa higit 50 miyembro ng NPA sa isang police station sa Northern Samar!

Marso 30, 2019, Daet, Camarines Norte. Palitan ng mga nakabibinging putukan ng mga baril sa pagitan ng higit 50 miyembro ng NPA (New Peoples’ Army) at mga kapulisan ang sumiklab ng salakayin ang Victoria Municipal Police Station sa Northern Samar mga bandang alas tres ng madaling araw, huwebes, Marso 28, 2019.

Tatlo ang patay at isa ang nahuli sa hanay ng mga NPA habang dalawa naman ang sugatan sa mga kapulisan. Kinilala ang mga nasabing pulis na sina Police Msgt. Arturo Gordo at Police Msgt. Arnold Cabacang. Samantala, isa umanong criminology student ang nahuli sa panig ng kalabang NPA.

Nakuha ang sinakyang truck na ginamit ng mga NPA, isang kalibre m-14 rifle, isang caliber m60 machine gun at 2 caliber m16 rifle.

Ayon sa ilang nakasaksi nakasuot ang mga NPA ng mga military fatigues, yellow headbands at karamihan anila dito ay halos mga kababaihan na tumakas sa ibat ibang bahaging direksyon matapos ang engkwentro.

Patuloy ang clearing operations ng mga kapulisan at pinapalagay na ang pagsalakay ng mga hinihinalang NPA ay may kaugnayan sa kanilang March 29 founding anniversary.

*photo from Victoria Municipal Police Station 

Orlando Encinares

Camarines Norte News 

Leave a Reply

Your email address will not be published.