Rev. Fr. Ronald Anthony P. Timoner itinalaga bilang bagong Vicar General ng Diyosesis ng Daet!

Rev. Fr. Ronald Anthony P. Timoner itinalaga bilang bagong Vicar General ng Diyosesis ng Daet!

Abril 3, 2019, Daet, Camarines Norte. Itinalaga ni Obispo Rex Andrew Alarcon si Reverend Father Ronald Anthony P. Timoner bilang bagong Vicar General ng Diyosesis ng Daet. Ito ay alinsunod na rin sa ipinalabas na kautusan ng obispo kaugnay sa pagkakatalaga kay Timoner kahapon ng Martes, Abril 2, 2019. 

Ayon sa Canon Law ng simbahang katolika, ang Vicar General ay ang siyang pinakamataas na posisyon sa Diyosesis kasunod ng Obispo. Ang Vicar General ay ang siyang maituturing na kahalili ng obispo sa paggampan nito ng executive functions sa nasabing Diyosesis.

Binibigyan rin ng kapangniyarihan at otoridad ang Vicar General upang i-exercise ang episcopal jurisdiction sa ngalan ng Obispo ng Diyosesis ng Daet.

Matatandaan na si Timoner ay halos dalwang taon rin na nagsilbi bilang Officer in Charge/Diocesan Administrator ng Diyosesis ng Daet bago maitalaga si Most Reverend Rex Andrew C. Alarcon bilang bagong obispo nitong nakaraang buwan ng Marso.

Blaise Henry E. Ilan

Camarines Norte News 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *