Tatlong wanted person sa lalawigan ng Camarines Norte, sunod sunod na naaresto sa magkakahiwalay na operasyon ng pulisya!

Tatlong wanted person sa lalawigan ng Camarines Norte, sunod sunod na naaresto sa magkakahiwalay na operasyon ng pulisya!

Abril 10, 2019, Daet, Camarines Norte.  Matagumpay na naaresto ng pulisya ngayong araw ang tatlong personalidad na wanted sa iba’t ibang kaso sa lalawigan ng Camarines Norte. Naunang naaresto kaninang 6:30 ng umaga sa Poblacion ng bayan ng Talisay si Michael Angelo Malimban, 29 taong gulang, residente ng Naic, Cavite, dahil sa kasong Simple Seduction o paglabag sa Republic Act 7610. 

Mga bandang tanghali ay naaresto naman ng mga operatiba ng Daet Municipal Police si Mark Anthony Abordo, 39 taong gulang, residente ng Barangay Borabod, Daet, Camarines Norte, dahil sa kasong pagnanakaw o Qualified Theft. 

Samantala, bago pa man matapos ang araw ay naaresto naman ng mga kapulisan dakong alas singko ng hapon ang rank 7 sa most wanted list ng Labo Municipal Police na si Jerome Villanueva, 34 taong gulang, residente ng Barangay Awitan, Labo, Camarines Norte. Si Villanueva ay inaresto dahil sa kasong pagpatay o frustated homicide sa nasabing bayan.

Samantala, patuloy na pinaiigting ng pulisya ang kanilang pagbabantay ng seguridad at kaligtasan ng bawat mamamayan sa lalawigan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng iba’t ibang operasyon kontra kriminalidad.

Blaise Henry E. Ilan

Camarines Norte News 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *