Abril 15, 2019, Daet, Camarines Norte. Matagumpay na dinala ng Mabini Colleges Inc. ang bandera ng lalawigan ng Camarines Norte sa ngayo’y nagpapatuloy pa rin na PRISAA (Private Schools Athletic Association) Regional Games sa Sorsogon city. Ang delegasyon ng Mabini Colleges Inc. ay ang siyang pangunahing nagrerepresenta sa lalawigan ng Camarines Norte sa nasabing palaro kasama ang Our Lady of Lourdes College Foundation.
Sa nasabing kumpetisyon ay nasungkit ng Mabini Colleges ang kampeonato sa Table Tennis boys category, Badminton boys and women category, Dance Sports Latin and Standard category, at Vocal Duet competition. Isa sa mga pinakahighlight na event ng PRISAA Regional Games ay ang ang Mutya ng PRISAA kung saan tinanghal rin ang pambato ng Mabini Colleges na si Rhianne Macy Zapanta bilang Mutya ng PRISAA 2019.
Samantala pasok rin sa 2nd place ang pambato ng nasabing paaralan sa Vocal Solo competition, 3rd place sa Oratorical competition, at 1st runner up naman sa Volleyball boys category.
Ang mga nag-kampeong indibidiwal mula sa Mabini Colleges ay ang siyang magrerepresenta sa Bicol Region sa darating na PRISAA National Games 2019 na gaganapin sa Davao city.
Blaise Henry E. Ilan
Camarines Norte News