Fores Fire Sumiklab Sa Isang Taniman Sa Bayan ng Labo, Matinding Init Ng Panahon Maaaring Isa Sa Mga Nagpalala Ng Sunog!

Fores Fire Sumiklab Sa Isang Taniman Sa Bayan ng Labo, Matinding Init Ng Panahon Maaaring Isa Sa Mga Nagpalala Ng Sunog!

Abril 25, 2019, Daet, Camarines Norte. Sumiklab ang isang sunog sa isang taniman sa may bahagi ng kagubatan ng Sitio Dagook, Barangay Tigbinan, sa bayan ng Labo mga bandang alas onse bente (11:20) ng tanghali kahapon (Abril 24, 2019).

Ang nasabing taniman ay pag-aari nina Luisita Puno at Beronica Lamadrid, kapwa residente ng nabanggit na barangay.

Kaugnay ng nabanggit na sunog ay natupok sa nasabing taniman ang ilang mga pananim na kape at cacao na sana’y isa sa mga pangunahing idinideliver at binebenta ng mga tao roon. Maging ang mga puno ng niyog ay hindi rin nakaligtas sa nabanggit na pangyayari.

Sa ngayon ay hindi pa matukoy kung ano ang eksaktong halaga ng mga napinsala maging ang direktang sanhi ng sunog, ngunit posible umano na nakatulong ang matinding init ng panahon sa mabilis na pagkalat ng sunog sa lugar.

Matatandaan na nitong mga nakaraang linggo ay kabilang ang lalawigan ng Camarines Norte sa may naitalang pinakamatataas na temperature sa bansa.

Blaise Henry E. Ilan

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *