Tatlong Taong Gulang Na Bata Patay Matapos Malunod Sa Isang ILog Sa Bayan Ng Basud!

Tatlong Taong Gulang Na Bata Patay Matapos Malunod Sa Isang ILog Sa Bayan Ng Basud!

May 3, 2019, Daet, Camarines Norte. Binawian ng buhay ang isang tatlong taong gulang na bata sa bayan ng Basud matapos itong malunod sa may porsyon ng Pagsangahan river mga bandang alas kwatro ng hapon, May 1, 2019, sa Purok 1, Barangay San Jose ng nasabing bayan.

Kinilala ang biktima na si Joshua Acosta na residente rin ng nabanggit na lugar. Habang nangyayari ang nasabing insidente ay nakahingi pa ng saklolo sa mga pulis ang tiyuhin ng biktima na si Damaso Molina Jr.

Nagawang sagipin at dalhin sa ospital ang biktima ngunit sa kasamaang palad ay idineklara itong dead on arrival. Samantala, patuloy naman ang paalala ng mga otoridad na mag-ingat sa pagtawid o paliligo sa mga ilog upang maiwasan ang mga iba’t ibang uri ng sakuna tulad ng pagkalunod.

Blaise Henry E. Ilan

Camarines Norte News 

Leave a Reply

Your email address will not be published.