Gonzales Ascutia High School Ng Bayan Ng Talisay, Camarines Norte, Hakot Parangal Sa 7th Philippine Drum And Lyre Associates Inc. National Competition!

Gonzales Ascutia High School Ng Bayan Ng Talisay, Camarines Norte, Hakot Parangal Sa 7th Philippine Drum And Lyre Associates Inc. National Competition!

Mayo 8, 2019, Daet, Camarines Norte. Todo hakot parangal ang Gonzales Ascutia High School ng bayan ng Talisay, Camarines Norte matapos nitong iuwi muli ang kampeonato sa High School Category ng nagdaang 7th Philippine Drum and Lyre Associates Inc. National Competition na ginanap sa lungsod ng Bacoor sa lalawigan ng Cavite. 

Ang nasabing kumpetisyon ay ang taunang paligsahan ng iba’t ibang mga drum and lyre bands sa iba’t ibang panig ng Pilipinas na kung saan pangunahing organizer nito ang Philippine Drum and Lyre Associates Inc. Aabot sa halos 22 na nagagalingang contigent mula sa elementary, high school at open class category ang naglalaban laban upang masungkit ang prestihiyosong National Title ng kumpetisyon.

Samantala, bukod sa kampeonato ay hinakot rin ng paaralan ang lahat ng minor awards partikular ang Best Drumline, Best Mallets, Best Color Guards, Best in Music at Best in Visual ng High School Category ng nasabing paligsahan.

Ito na ang ikatlong kampeonato ng Gonzales Ascutia High School DLC band sa National Competition ng Philippine Drum and Lyre Associates Inc.

See video of  full performance: https://www.facebook.com/ricky.t.pera/videos/2261289580580882/ 

Blaise Henry E. Ilan

Camarines Norte News 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *