Sa Kabila Ng Mga Isyu, Gobernador Tallado Nanguna Sa Gubernatorial Survey Ng Crimes And Corruption Watch!

Sa Kabila Ng Mga Isyu, Gobernador Tallado Nanguna Sa Gubernatorial Survey Ng Crimes And Corruption Watch!

Sina Atty. Gerardo A. Del Mundo at Atty. Juan Agapito M. Tria II ng Crimes and Corruption Watch habang pinapaliwanag sa media ang naging resulta ng survey.

Mayo 11, 2019, Daet, Camarines Norte. Dalawang araw bago ang eleksyon ay pormal na inilabas ng grupong Crimes and Corruption Watch International ang kanilang bersyon ng survey para sa pagka-gobernador ng lalawigan ng Camarines Norte. Ayon sa panayam ng media kay Atty. Juan Agapito M. Tria II, isa sa mga legal counsel ng nasabing grupo, layunin ng kanilang ipinalabas na survey na makakuha ng insight tungkol sa magiging resulta ng darating na halalan sa lalawigan.

Ang nasabing survey ay isinagawa sa loob ng 9 araw simula Mayo 1 hanggang Mayo 9 sa halos 282 na baranggay sa labindalawang munisipalidad ng Camarines Norte.  Ang nasabi rin umanong survey ay mas mabigat at reliable dahilan sa aabot sa 32,880 na mga individual ang kanilang sinurvey sa pamamagitan ng random sampling. Sa kabuuan ng survey ay lumabas na 48.77% o 16,034 na indibidwal ang nagsabing iboboto nila si Gobernador Tallado26.57% o 8,737 na indibidwal naman ang nagsabing iboboto nila si Dra. Cathy Barcelona Reyes. Samantala nakakuha naman ng 700 votes o 2.13% mula sa kabuuang respondents

si BP Balmeo na kandidato rin sa pagka-gobernador. 22.55% naman o 7,413 na indibidwal ang undecided pa sa kanilang iboboto sa pagka-gobernador.

Ang breakdown ng mga survey results sa kada bayan ng Camarines Norte.

Ang Crimes and Corruption Watch ay isang independent organization na may layuning linisin ang kurapsyon at krimen sa buong bansa. Ang nasabing grupo ay kilala bilang isa sa mga nag-petition sa Korte Suprema na gawing unconstitutional ang PDAF (Priority Development Assistance Fund) ng mga kongresista.

Blaise Henry E. Ilan 

Camarines Norte News 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *