BABAENG BAGUHAN SA PULITIKA, TOPNOTCHER BILANG KONSEHAL NG DAET SA NAKATALIKOD NA MAY 13 ELECTIONS!

BABAENG BAGUHAN SA PULITIKA, TOPNOTCHER BILANG KONSEHAL NG DAET SA NAKATALIKOD NA MAY 13 ELECTIONS!

Mayo 17, 2019, Daet, Camarines Norte. Labis ang pasasalamat ni Councilor Elect Ma. Eliza Llovit dahil sa kanyang nakuhang suporta mula sa bayan ng Daet nitong nakaraang halalan. Si Llovit ay ang konsehal na nakakuha ng pinakamataas na bilang ng boto sa buong bayan.

Base sa 100% election returns mula sa bayan, nakakuha si Llovit ng 16,267 na boto upang makuha ang unang upuan sa konseho ng bayan ng Daet. Sa kanyang mensahe ay sinabi nito ang kanyang pagkamangha at galak dahil sa napakalaking tiwala na ibinigay sakanya ng mamamayang Daetenyo.

Dagdag pa ni Llovit, maituturing rin umanong tagumpay ng buong bayan ang kanyang pakagpanalo dahil hindi umano niya sasayangin ang tiwalang ipinagkaloob ng mga mamamayan at ipagpapatuloy ang paghahatid ng serbisyong may puso sa kanyang mga kababayan.

Si Eliza Llovit ay isang businesswoman, former college instructor at media practitioner bilang tumatayong Managing Editor ng pahayagang ito bago pumasok sa buhay pulitika. Si Llovit rin ang kasalukuyang presidente ng Kiwanis Club of Reina Daetena, isang grupong kumakalinga sa mga kabataan.

Makakasama ni Llovit sa konseho ang iba pang mga nanalong konsehal sa bayan ng Daet na sina Tom Turingan, Apolonio Panong, Felix Abano, Bong Avila, Marlon Bandelaria, Rossano Valencia, at Nestor Dalida.

Blaise Henry E. Ilan

Camarines Norte News 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *