Lalake Arestado Sa Tangkang Panggagahasa Sa Isang Ginang Sa Labo, Camarines Norte!

Lalake Arestado Sa Tangkang Panggagahasa Sa Isang Ginang Sa Labo, Camarines Norte!

Mayo 26, 2019, Daet, Camarines Norte. Sa kulungan ang bagsak ng isang lalake sa bayan ng Labo matapos nitong tangkang gahasain ang isang babae mga dakong alas otso y media (8:30 pm) kagabi, Mayo 25, 2019, sa Purok 7, Barangay Tigbinan ng nasabing bayan.

Arestado ang suspek na si Edward Caniano27 taong gulang, at residente ng Barangay Anahaw sa bayan ng Labo matapos itong i turn over ng mga barangay tanod sa kustodiya ng pulisya kagabi.

Ayon sa salaysay ng biktima, hinubaran umano siya ng nasabing suspek at tinangkang ipasok ang ari nito sa pribadong parte ng kanyang katawan habang idinidiin ng suspek ang kanyang ulo sa isang pader.

Mabuti na lamang at agad na rumesponde ang mga tanod sa lugar na siyang nagresulta sa agarang pagkakadakip sa suspek.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng pulisya ang nabanggit na suspek para sampahan ng mga kaukulang kaso.

Blaise Henry E. Ilan 

Camarines Norte News 

Leave a Reply

Your email address will not be published.