SMOKING BAN SA BAYAN NG LABO IPINATUTUPAD NA!

Hunyo 25, 2019, Daet, Camarines Norte. Tapos na ang maliligayang araw ng mga taong panay ang hithit-buga ng usok mula sa sigarilyo sa mga pampublikong lugar sa bayan ng Labo.

Ito ay matapos lagdaan ng lokal na pamahalaan ng nasabing bayan sa pamumuno ni Mayor Joseph V. Ascutia ang ordinansa na magbabawal sa paninigarilyo sa anumang pampublikong lugar sa bayan.

Kasama sa mga lugar na sakop ng nasabing ordinansa ay ang mga simbahan, paaralan, pampublikong opisina, terminals, palengke, tabing kalsada, waiting sheds, at iba pa.

Maaring pagmultahin at hulihin ang sinuman na mapapatunayan na lumabag sa ipinapatupad na Smoking Ban.

Samantala, umani naman ng positibong pagtanggap sa mga mamamayan ng Labo ang pagpapatupad ng nasabing Smoking Ban dahil na rin sa nakakairita at negatibong epekto ng sigarilyo sa kalusugan ng tao.

Matatandaan na isa sa mga nangungunang sanhi ng pagkakaroon ng Lung Cancer at iba pang Respiratory Diseases ay ang Second Hand Smoking kung kaya’t maituturing itong isa sa mga matagumpay na hakbang ng bayan tungo sa mas malusog na pamayanan.

Blaise Henry E. Ilan 

Camarines Norte News 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *