MGA DENGUE HOTSPOTS SA BICOL TINUKOY NG DOH!

Hulyo 17, 2019, Daet, Camarines Norte. Kasunod ng pagdedeklara ng DOH (Department of Health) ng National Dengue Alert ay tinukoy ng nabanggit na ahensya sa rehiyon ang mga Dengue Hotspots sa buong kabikulan. Ito ay matapos magtala ang buong bansa ng di pangkaraniwang bilang ng mga nagkakasakit ng Dengue mula buwan ng Enero hanggang nitong nakaraang buwan ng Hunyo 2019.

Ayon sa datos ng ahensya, umabot na sa 106,630 ang mga naitatalang kaso ng dengue sa bansa, mas mataas ng 85% kumpara noong isang taon. Dahil rito mahigpit na minomonitor ng DOH ang ilang rehiyon sa Pilipinas kabilang na ang kabikulan dahil sa mabilis na pagtaas ng kaso ng mga nagkakasakit na residente sa mga iba’t ibang probinsya.

Sa pagtataya ng DOH V, ito ang mga tinukoy na Hotspots ng Dengue sa Bicol Region:

ALBAY:
Busay, Daraga 
Alobo, Daraga
Salvacion, Daraga
Anislag, Daraga
Villahermosa, Daraga
Taysan, Legazpi City
Cale, Tiwi

CAMARINES SUR:
Sabang, Calabanga
Mangayawan, Canaman
Matacla, Goa
Antipolo, Minalabac
Carolina, Naga City
Calauag, Naga City
Mabolo, Naga City
San Gabriel, Pamplona
Poblacion, Pamplona
Palestina, Pili
Panagan, Tigaon
San Rafael, Tigaon
San Antonio (Pob.), Sagñay

CATANDUANES:
Alibuag, San Andres

SORSOGON:
Banuang Gurang, Donsol
Lupi, Prieto Diaz
Pangpang, Sorsogon City
Caricaran, Sorsogon City
Bibincahan, Sorsogon City
Guinlajon, Sorsogon City
Balete, Sorsogon City
Cabid-an, Sorsogon City
San Ramon, Sorsogon City
San Juan (Roro), Sorsogon City

MASBATE:
Poblacion (Balud), Balud
Panubigan, Balud

Sa anim na lalawigan sa rehiyon, tanging ang lalawigan lamang ng Camarines Norte ang walang natukoy na Dengue Hotspot. 

Samantala, mahigpit na hinihikayat ng Department Of Health Region V na panatilihing malinis ang kapaligiran upang hindi na makapamugad ang mga lamok na maaring magdala ng nabanggit na sakit. Hinihikayat rin ang mga residente na gumawa ng mga self protective measures laban sa Dengue tulad ng paggamit ng mga repellants, pagsusuot ng mahahabang damit at iba pa.

Blaise Henry E. Ilan 

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *