KTV BAR SA BAYAN NG DAET TIMBOG SA PROSTITUSYON; 12 KABABAIHAN NA UMANO’Y IBINUBUGAW SA NASABING BAR NASAGIP!

KTV BAR SA BAYAN NG DAET TIMBOG SA PROSTITUSYON; 12 KABABAIHAN NA UMANO’Y IBINUBUGAW SA NASABING BAR NASAGIP!

Agosto 10, 2019, Daet, Camarines Norte. Timbog ang isang KTV bar sa Barangay Lag-on sa bayan ng Daet sa isinagawang entrapment operation ng NBI (National Bureau of Investigation) matapos mapag-alaman ang mga iligal na aktibidad na ginagawa nito.

Napag-alaman sa survelliance ng NBI na sa halos siyam na taong operasyon ng nasabing KTV Bar ay ginagawa umano itong kuta ng prostitusyon sa lugar.

Ayon sa team leader ng NBI-Naga district office na si Rex Solano, sa halagang 1500 piso ay pwede na umanong iakyat ang isang babae sa VIP at doon na nangyayari ang negosasyon para sa sexual favors na nais ng isang kustomer.

Aabot sa 12 kababaihang ibinubugaw umano sa bar ang nasagip ng mga otoridad. Samantala, todo tanggi naman sa bintang ang may-ari ng KTV bar na kinilala lamang sa alyas na “Charlie”. Ayon kay Charlie, hindi umano nila pinapayagan ang prostitusyon sa kanilang bar, bagama’t aminado ang suspek na posibleng may mga ilang staff sa kanilang bar ang napipilitang magbenta ng sexual favors dahil sa pangangailangan.

Samantala, mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9208 o Anti Human Trafficking Act ang may-ari ng nabanggit na KTV bar.

Blaise Henry E. Ilan 

Camarines Norte News 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *