DRUG SUSPECT TIMBOG SA BUY BUST SA BAYAN NG JOSE PANGANIBAN!

DRUG SUSPECT TIMBOG SA BUY BUST SA BAYAN NG JOSE PANGANIBAN!

Agosto 19, 2019, Jose Panganiban, Camarines Norte – Timbog ang isang drug suspect sa isinagawang buy bust operation ng Jose Panganiban Municipal Police Station (MPS) at PDEA ROV 11:55 kagabi, Agosto 18, 2019 sa Purok 4, Brgy Plaridel ng naturang bayan.

Kinilala ang nadakip na suspek na si Rommel Panganiban y Nañola, 47 anyos, may asawa at residente ng nasambit na lugar.

Nakumpiska mula sa suspek ang isang maliit na sachet ng hinihinalang shabu na ginamit nito sa pakikipag transaksiyon sa poseur buyer.

Nakuha din mula dito ang dalawa pang sachet ng hinihinalang illegal na droga na may tinatayang timbang na 1.5 gramo na posibleng nagkakahalaga  ng apat na libong piso. (Php4,000.00).

Kabilang din sa nakumpiska sa suspek ang gamit nitong cellphone at limandaang piso (Php 500.00) na ginamit bilang buy bust money.  

Nasa kustodiya nan g nasambit na himpilan ng pulisya ang suspek para sa kaukulang disposisyon.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published.