EX GOVERNOR ATOY TYPOCO JR, PUMANAW NA SA EDAD NA 74!

Agosto 20, 2019, Daet, Camarines Norte – Pumanaw na ang dating gobernador ng lalawigan ng Camarines Norte na si Ex Governor Jesus “Atoy” Typoco.

Ngayong araw ay nagsimula ng bumuhos ang mensahe ng pakikiramay sa mga kaanak ng pumanaw na dating gobernador na nanilbihan bilang ama ng lalawigan sa loob ng siyam na taon o tatlong termino (2001-2010).

Napag alamang matagal nang may iniindang sakit ang dating gobernador na dumaan pa sa masusing gamutan at dalawang beses na dumaan sa angioplasty procedure subalit tuluyan na rin itong binawian ng buhay.

Ipinanganak si Ex GOv. Atoy Typoco sa bayan ng Daet Mayo 13, 1947 at pumanaw sa edad na 74.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published.