SILID NG ISANG PAARALAN SA BAYAN NG LABO, NILOOBAN!

Agosto 20, 2019, Labo, Camarines Norte – Nilooban ng hindi nakilalang suspek ang isang silid sa Anecita De Lara Pimentel High School sa Brgy. Mabilo I, Labo, Camarines Norte.

Base sa report na ipinaabot ni Gng. Leizl C. Hernandez, guro sa nasambit na paaralan, posbleng pumasok ang magnanakaw gabi ng Agosto 18 taong kasalukuyan  dahil napansin nito ng pumasok sa naturang silid dakong 8:00 ng umaga kinabukasan, Agosto 19, na inalis na ng kawatan ang ilang bahagi ng jalousie sa bintana ng silid.

Napag alamang natangay ng suspek ang isang (1) TwoKey tablet na nasa loob ng nasambit na silid aralan.

Nagsasagawa na ng follow up investigation ang Labo PNP upang matukoy ang pagkakakilanlan ng suspek at marekober ang ninakaw na gadget.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published.