CONSTRUCTION WORKER NA MAY KINAKAHARAP NA KASONG ATTEMPTED MURDER, ARESTADO SA BAYAN NG DAET!

CONSTRUCTION WORKER NA MAY KINAKAHARAP NA KASONG ATTEMPTED MURDER, ARESTADO SA BAYAN NG DAET!

Agosto 21, 2019, Daet, Camarines Norte โ€“  Bumagsak sa kamay ng kapulisan ang isang construction worker na may kinakaharap na kasong attempted murder.

Kinilala ang suspek na si Zedan Aguilar y Asiao, 39 anyos, construction worker, residente ng Purok 4, Barangay IV, Daet, Camarines Norte.

Sa bisa ng warrant of arrest na ibinaba ni Hon Judge Arniel A. Dating ng RTC Branch 41, Daet, Camarines Norte para sa kasong attempted murder, nadakip ng mga personel ng Daet Municipal Police Station si Aguilar dakong 5:00 kahapon, Abril 20, 2019 sa Coreses Street, Barangay VI ng parehong bayan.

May nakatakdang isang daan at dalwampung libong piso (Php 120,000.00) ng piyansa para sa naturang kaso.

Nasa kustodiya na ng Daet MPS ang suspek para sa kaukulang disposisyon.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published.