Agosto 21, 2019, Daet, Camarines Norte – Isinusulong ngayon sa Sangguninag Panlalawigan ang isang resolusyon ukol sa pagpapawalang bisa sa umiiral na minimum billing policy ng CNWD at Prime Water.
Pangunahing author ng nasambit na resolusyon si 1st Distict Board Member Mike Canlas katuwang sina Board Member Doc Ran Jalgalado at Atty. Godfrey Parale.
Ayon sa Bokal, layunin nito na mabawasan ang pasanin ng mga ordinaryong konsesyunaryo partikular na ang mga mahihirap na kababayan na hindi naman umaabot sa minimum rate ang nakukunsumong tubig.
Magugunitang sa umiiral na polisiya ng CNWD at Prime Water, kinkailangang magbayad ng mga konsesyunaryo ng minimum rate na nakatakda sa kanila maging ito man ay residential, commercial at industrial kahit na hindi umabot sa minimum amount ang tubig na nakonsumo ng mga ito.
Iminungkahi ng bokal sa pamamgitan ng naturang resolusyon na sundin na lamang ang aktwal o eksaktong halaga ng nakunsumong tubig.
Ayon pa sa bokal dagdag pahirap umano ang minimumbilling policy sa mga mahihirap na kababayan lalo na sa ngayon na hindi maganda ang serbisyong naihahatid ng kumpanya sa mga konsesyonaryo.
Sa huli ay kinatigan naman ng iba pang miyembro ng SP ang nasambit na resolusyon.
Camarines Norte News